Former entertainment editor Dindo Balares provided an update about actress and TV host Kris Aquino. According to Dindo, which happens to be a good friend of Kris, she wanted to experience forest bathing.
Dindo added that Kris have been asking about his farmland in Bicol, and plans to visit it.
On Facebook, Dindo posted the following:
“Para po ito sa mga naghihintay ng updates tungkol kay Kris Aquino.
Latest ito, kagabi lang, kaya mainit-init pa. Marami kaming topics, pero ang bandang ito lang muna ang ikukuwento ko.
“Kuya Dindo, how far is the mountain?”
Ang itinatanong niya ay ang taniman namin sa upland Bicol. Sinagot ko siya, na mula sa Naga City, 35 kilometers away.
“Malayo to climb??? Can you please test for me?”
Ibig niyang sabihin, kung kakayanin niyang lakarin ang papuntang taniman mula sa hinihintuan ng sasakyan sa kalsada.
“Parang I want to go to Bicol,” diretsong sabi niya.
Wala muna akong direktang kuwento tungkol sa health status ni Krisy, pero siyempre pang mailalarawan sa usapan naming ito na gusto na niyang subukan ang lakas ng kanyang pangangatawan at pumunta sa nature.
Matagal na niyang pinapangarap ang forest bathing, maging noong hindi pa lumulubha ang kanyang autoimmune illnesses. Katunayan, bumili pa siya noon ng book tungkol dito.
Naiintriga siguro siya sa pag-eermitanyo at pangyayakap ko sa mga puno 🥰😆, at gusto rin niyang makita ang sinimulan kong natural farm.
In-encourage niya akong ituloy ito, para may mapagkukunan ng whole foods o mga pagkain na walang traces ng chemicals ang mga kagaya niyang nagbabawi ng kalusugan.
Walang hanggang pasasalamat po, LAGI AT LAGI, sa mga gumagamot, at sa mga naghahangad at nagdarasal sa tuluyang paggaling ni Kris.”
(Photo source: Instagram – Kris Aquino)
You must be logged in to post a comment Login