Muling nilinaw ni Lolit Solis na paninindigan niya ang kanyang naisulat tungkol sa pag-iisnab ni Alex Gonzaga kina Rita Daniela at Ken Chan. Ayon kay Nanay Lolit ay sumumpa sa kanya ang kanyang source na totoong nangyari ang isnaban at kaya daw niyang harapin si Alex anytime.
Sa kanyang Instagram account ay idinagdang ni Nanay Lolit na dapat ay sa mga artista ay dapat walang ABS-CBN at GMA, lahat daw ay dapat na maging mabait sa isat isa.
“In regard po sa pangyayari kay Alex Gonzaga, Rita Daniela at Ken Chan, sumusumpa po ang source ko na tutoo daw nangyari ang bagay na iyon. Hindi ko gusto siraan si Alex, actually nga ang gusto ko pagalitan sila Rita at Ken dahil for me, you treat yourself better para hindi ka ma-snob. Very demeaning na gawin ng isang kapwa mo artista ang ginawa ni Alex, pero karapatan niya kung ayaw niya makipag-chica.
Hindi ko naman sinasabi na dapat feeling big stars din sila Rita at Ken pero sa mga okasyon na ganun, isipin mo rin na dala mo ang bandera ng GMA at para sa isang ABS star na umasta ng ganun para bang ano ‘you feel we are smaller’ ang dating. Tama rin iyon iba bakit para bang mas affected ako. of course, dahil hindi ba para kayong neighbors na dapat mabait sa isa’t isa. Na dapat pag magkakasabay kayo sa isang lugar pare-pareho kayong representative ng showbiz, walang mataas o mababa, walang mas sikat o baguhan?
Si Coco Martin kahit saan makakita ng taga-showbiz, kahit hindi niya kilala, binabati niya, pakita sa mga tao na iisang mundo silang lahat na artista, walang ABS o GMA. Iyon lang ang hinanap ko kay Alex Gonzaga. At kung totoo na hindi nangyari, mas mabuti, dahil at least na clear niya. Pero sabi ng source ko, kaya niya humarap kay Alex. So be it.”
You must be logged in to post a comment Login