Connect
To Top

Claudine Barretto posts reply allegedly from mom Inday addressed to Marjorie Barretto

Nalilito na ang mga netizens kung sino ba sa mga Barretto sisters ang nagsasalita ng totoo. Una’y nagpost si Claudine ng video na kung saan ay maririnig na diumano’y sinabi ni Marjorie na “super drama si inday baka MASAPAK KO.”

Pagkatapos nun ay nagpost naman si Marjorie ng isang photo na kung saan ay nag-Sunday lunch sila Marjorie at ang mga anak niya kasama si Mommy Estrella ‘Inday’ Barretto.

==========

RELATED STORIES:

Claudine Barretto reveals sister Marjorie wanted to hurt their mom Inday

Is this the answer of Marjorie Barretto to the accusations of sister Claudine?

==========

Nagpost muli si Claudine ng diumano’y mensahe ni Mommy Inday patungkol sa video na kanyang nakita at narinig ang sinabi ni Marjorie. May kasama itong caption na:

“Nagsalita na ang Mommy 👍 @gretchenbarretto the Truth will always always Prevail”

Ipinaliwag din ni Claudine ang tungkol sa Sunday lunch na photo na pinost ni Marjorie. Ayon kay Claudine sa comment section ay hindi alam ni Mommy Inday ang video.

“late na po makita ng mommy ko,” ang post ni Claudine

(Photo source: Instagram – @claubarretto)

You must be logged in to post a comment Login

More in News