Connect
To Top

Angelica Panganiban bids ‘Banana Sundae’ goodbye

Angelica Panganiban said her goodbyes to her long-time family members in the comedy-variety show ‘Banana Sundae.’ Angelica said most of them were hurting for the unexpected turn of events – for losing their network, when all they wanted was to help and make people happy.

On her Instagram account, Angelica poured out her feelings and sentiments:

==========

Related Stories:

==========

“Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao.. Sa pinaka unang pagkakataon,, kanina,, umiiyak tayong lahat.. Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat. Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman.. Ang mawalan tayo ng tahanan. Masakit.. Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong.

Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatakwatak na tayo. Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon. Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban.. kung saan pa kami kukuha ng lakas. Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita kita ulit tayo.

Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.

Pero kahit ganito,, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang “okay ba kayo jaaaan”… Ngayon naman,, kami ang hindi “okay”..

Kaya naman… Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”

(Photo source: Instagram – @iamangelicap)

You must be logged in to post a comment Login

More in News