Actress and TV host Kris Aquino broke her silence over the issue surrounding the cancelled online talk show she is supposed to do with entertainment columnist Cristy Fermin and Lolit Solis. Allegedly, the show was cancelled because of Kris saying she does not want to do the show with Mr. Fu because she does not know him.
On the Instagram account of former journalist Dindo M. Balares, he expressed his love to both Nanay Cristy and Kris and said that he make himself available anytime the two decided to patch things up.
==========
Related Stories:
- Kris Aquino shares COVID-19 scare after driver tested positive
- Mr. Fu thanks Cristy Fermin for defending him from Kris Aquino
- Cristy Fermin shares what Kris Aquino allegedly said about Mr. Fu: “hindi ko sya kilala at hindi natin siya ka-level”
==========
“May mga nagpapadala sa akin ng links sa items ng hidwaan nina Nanay Cristy at Kris. May ilang media friends din na nagtatanong kung ano ang nangyayari.
Ganito po ang sitwasyon ko. Imagine, may ermitanyong nag-aayos ng kanyang taniman ng buyo na winasak ng bagyo. May dumating, nagbalita na may hindi pagkakaunawaan ang anak ko at ang nanay ko.
Makakapamili ba ako ng kakampihan?
Alam pareho nina Kris at ‘Nay Cristy, at maging ng lahat na malalapit sa akin, hindi ako palagatong sa away, na peacemaker ako. Nakapag-alaga na ba kayo ng dove o kalapati? Kusang umaalis ang mga kalapati ‘pag panay ang away ng pamilya ng nag-aalaga.
Ganyan ako. Kaya nga ako bumalik sa pagtatanim.
Pareho kong mahal ang Nanay at ang anak ko, na parehong strong personality. Parehong sikat. Ako’y retired na, isang hamak na magsasaka na lamang.
Pero kung mahal talaga nila ako, tulad din ng pagmamahal ko sa kanila, at gusto nilang magkaayos o magkasundo, alam nilang isang tawag lang ako.”
Kris reacted to the post and reacted this way:
“Dito ako papalag kuya dindo… nagsalita ba ko laban sa “nanay”mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao nya? Sa daming beses na pinagsalitaan nya ko ng lahat ng pinaka masasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan- ni minsan ba pumatol ako?
Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring- eh para umeffort nga na pumunta sa Elorde gym nga wala talaga akong balak mag commute, mag Grab, o mag pa drive… i saved all the messages @akosilolitsolis & i exchanged starting from October 28. Mag labas sila ng kahit sino mula sa side ng Pure Gold na pwedeng mag patunay sa mga pinaratang sa kin- dahil ang client na producer ang pwedeng magbigay linaw sa lahat…
There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa buhay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin. Mas maka-tao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala… hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya kung hindi ko ‘to gagawin… i understand you- a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother.
No hard feelings, yung naging “anak” mo nagbago na talaga pero hindi ibig sabihin nun mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory- marunong pa ring manindigan pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan, hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang pagsigawan… ngayon alam ko na- i do not have to attend every fight i’m invited to. i cannot control what people will say about me or do to me, BUT i can control my reaction & subsequent actions.”
(Photo source: Instagram – @krisaquino / @officialcristyfermin)
You must be logged in to post a comment Login