Connect
To Top

Alwyn Uytingco on celebrating 12th anniversary with Jennica Garcia: “isang MILAGRO”

Actor Alwyn Uytingco expressed his utmost love and gratitude to his wife, actress Jennica Garcia on their 12th anniversary.

In a lengthy post that he made on his Facebook page, Alwyn posted several sweet photos of him with his wife, Jennica. In the said photos, Alwyn showed to his fans and followers how they celebrated their 12th year anniversary. Alwyn shared that he surprised Jennica as they went to ‘Pinto Art Museum’.

According to Alwyn, he considered their 12th anniversary celebration as ‘milagro’ as it can be recalled that year 2021, reports about their breakup went viral.

““I See You”
Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin.. bday ko, anniversary namin tapos may balentimes pa. Hindi sa lahat ng oras napagbibigyan kami ng chance ma-celebrate lahat ng ‘yan.

Una sa first, hindi ko na inisip magpa-party para sa bday ko. Dahil syempre Covid, at saka tumatanda na ko, ice-celebrate ko pa? Teka lang.. hindi naman nakakatuwa ‘yon ah. At ayoko na ng attention para sa sarili ko. Kaya mas excited ako na ipagdiwang anibersaryo at balentimes namin ni Jen. Lalo na sa taon na ‘to.

Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sakin. Ako po ang may sala. Sorry na po.) Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga.

Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya. Pero simple lang naman ang ganap. Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam alam. Sabi ko lang, papasyal kami. Ganern. Matagal na niyang gusto makapunta sa museum na ‘yon, lalo pa ng malaman niya na nakapag shoot ako doon.

Kaya ayan, umikot ikot kami sa Pinto. Nag pichur pichur ng mga views, paintings at syempre yung pagkain (naks foodist yarn?). May isang area doon na may balon na mukhang wishing well kasi nakita namin sa ibaba na may mga barya sa ilalim ng tubig. Kaya ayon, naghulog ng piso ang tito at tita mo.

Nung mapagod na kami, nag aya si Jennica na umuwi na. Sabi ko, puntahan muna namin yung garden sa labas ng Gallery 7. At yon ang da best na panapos sa day trip namin. Hindi namin inaasahan na may mga tumpok ng bamboo doon sa garden. Sa tuwing humahangin, parang kumakanta yung mga bamboo kapag nagbe-bend yung trunk nila.

Doon ko naalala yung pelikula na Avatar. Hind yung airbender, yung kulay blue sila. Recently pinanuod ko ulit yung Avatar ni James Cameron kasi favorite ko ‘yon at may balita na magkakaroon daw ito ng part 2(and 3??). Naaalala ko na ito nga pala ang kauna-unahang bagay na sinabi ko kay Jennica noon, nung hindi pa kami mag jowa. Nasa isang bar kami noon. Kasama ang common friends namin. Halos magkatabi kami, pero di kami nag uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi..

“Napanuod mo na ba ‘yong Avatar?”

Sagot niya, “hindi, ano ‘yon?”

Doon na nagsimula ang conversation namin. And up to this day, hindi ko pa rin makakalimutan ang topic namin na ‘yon. Anyway, sorry lumalayo na. May isang linya doon sa pelikula na sinasabi ang mga character na tumatak sa akin. Yung quotable line na “I see you, Jakesully.” Imagine, sabihin sa’yo ng isang warrior princess ‘yon.. na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya ‘yong presence mo. ‘Yong kapasidad mo, yung worth mo.

At noong nag rewatch ako ng Avatar, mas mabigat na sakin ang mga salitang ito. I SEE YOU. Na para bang mas matimbang pa ito kaysa I love you.
Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal.

I see you, Jennica. Mahal kita.” Alwyn wrote in the caption.

(Photo source: Facebook – @alwynxalaskador)

You must be logged in to post a comment Login

More in News