Connect
To Top

Angel Locsin reacts to netizen comment that she is supporting VP Leni for ABS-CBN

Angel Locsin reacted to a comment made by a netizen who insinuated that the reason why she is supporting the candidacy of VP Leni Robredo is for the reopening of ABS-CBN who lost its franchise after Congress rejected the renewal of its franchise.

Angel replied back and posted the following:

“Bakit mo naman naisip na ang aming desisyon ay nakabase lang dahil sa isang kumpanya? Oo, mahalaga sa akin ang ABS-CBN lalo na ang mga nakatrabaho ko pero ang boto ko ay para sa kung anong tingin kong makakabuti para sa ating bansa. Katulad mo, ako rin ay naghahangad ng magandang kinabukasan para sa lahat.

Kung sasambitin ko sa iyo kung bakit hindi si Marcos ay napakaraming dahilan-at tayo ay magaaway dahil malamang ikaw naman ang hindi sasang-ayon – tulad ng hindi ko pag sangayon sa iyong mga nabanggit kay VP. Laging isa sa mga unang makarating sa area. Alam ko dahil umiikot rin ako. Alam ko kung nakakaabot ba talaga sa tao ang tulong o publicity lang.

Walang kinurakot. Marami rin siyang natulungan sa edukasyon, kalusugan, atbp. Bukod sa maasahan mo siya sa oras na kailangan natin ng tulong at hindi pag eleksyon lang, sang ayon ako sa karamihan ng mga sinabi niya kaya siya ang napili ko.

Pero ako’y nagpapasalamat sa iyo sa maayos mong pakikipag-usap at dahil ikaw ay nagtanong – na ibig sabihin ay bukas ka para alamin kung sino talaga ang makakatulong ng totoo sa mga Pilipino.”

(Photo source: Instagram – @therealangellocsin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News