Connect
To Top

Annabelle Rama to Cristy Fermin: “Peace be with you”

Annabelle Rama gave a statement to entertainment columnist Cristy Fermin that confirms that the two has decided to buried the hatchet between them.

Annabelle and Cristy have had a long-standing rift that started more than 25 years ago.

Annabelle on Facebook posted the following message:

“Mabait talaga sa akin ang Sto. Nino. Sa mga nangyari sa amin na intriga ngayon pinili kong manahimik na lang at pina ubaya ko na lang kay Sto. Nino ang lahat.

Pag gising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakaka kilala at nag mamahal sa akin. At sabi nila ay may maganda daw silang nabasa sa facebook na sinulat ng number one kong kalaban at pinagtatanggol ako this time. Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya.

Nang kumakain na kami, sinabi ng anak ko, na maganda raw ang sinulat ng nasabing reporter at ipinagtanggol ako, kako baka fake, kaya pina check ko sa PR ng Gutierrez family at na confirmed nga niya na legit iyon account at siya nga mismo ang sumulat .

Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita.

Last year, tine text ko sya ng ilang beses kasi ang mag asawa naman ni Manny at Jinky Pacquiao ang kanyang inaaway at di maganda ang mga sinasabi niya. Pinagtatanggol ko naman ang mag asawa. Di nya ako sinagot sa mga text ko, kaya di ko na siya kinulit.

This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan.

I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo. At tinawagan ko sya at nag kausap kami at nag pasalamat ako. At sabi pa nga nya regards kay tito Eddie. Tamang tama na magkatabi kami ni Eddie sa upuan, at ipinasa ko kay Eddie ang telepono at nag usap sila. Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya Tito Eddie, mag pa galing ka, inagaw ko ang telepono at sabi ko , malakas na malakas ang asawa ko.

Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah. That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking , he is enjoying the company of his grandchildren.

Ang tinutukoy ko ay ang isang Cristy Fermin.

Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin.

Merry Christmas and Peace Be With You.”

(Photo source: CTTO)

You must be logged in to post a comment Login

More in News