Antonio Sanchez claims innocence of charges; will not apologize

Antonio Sanchez claims innocence of charges; will not apologize

Muling iginiit ni dating mayor na si Antonio Sanchez ng Calauan, Laguna na wala siyang kinalaman sa pagkamatay nina Mary Eileen Sarmenta at Alan Gomez. Muling napaguusapan ang kaso ni Sanchez dahil sa bali-balitang ito ay malapit ng palayain.

Umalma ang mga netizens sa balitang ito at pumira ng petisyon para manatili si Sanchez sa kulungan. Pati mga celebrities ay ibinahagi ang kanilang saloobin sa nasabing balita.

==========

Related Stories:

Angel Locsin, Angelica Panganiban and other celebrities react to possible release of ex-mayor Antonio Sanchez

Bianca Gonzalez on Bato Dela Rosa’s statement over Antonio Sanchez’s release: “Mas madami namang ibang deserving ng second chance”

==========

Sa isang panayam ng GMA News ay sinabi ni Sanchez na walang siyang kasalanan at hindi siya hihingi ng sorry o paumanhin.

“Anong i-sosorry ko sa kanila? Maski makulong ako ng apat ng buhay eh sige na. Wala akong i-sosorry sa kanila. Kaya naman ako naging fall guy dahil sa aking bayan nila itinapon eh,” sabi ni Sanchez.

“Kung ayaw nila akong palayain OK din. Nagtiis nga ako ng 26 years sa kasalanang hindi ko ginawa.” dagdag pa ni Sanchez.

Narito ang interview:

(Photo source: Facebook – @GMA News)


Share This Post