Connect
To Top

Are Luis Manzano and Billy Crawford hosting a noontime show on TV5?

Maugong ang usap-usapan na magkakaroon daw ng noontime show ang TV5 at ang napipisil nilang maghost nito ay walang iba kundi ang tandem nina Luis Manzano at Billy Crawford. Kilala at alam sa industry na matalik na magkaibigan ang dalawa at click sa masa ang kanilang tandem.

Si Luis ay itinuturing na isa sa pinaka-mahusay na host sa bansa samantalang si Billy naman ay isa sa pinakamahuday na singer dancer sa larangan ng entertainment industry. Pagsamahin mo ang mga experience nila sa hosting ay tiyak na putok ito sa panlasa ng masa.

Hindi na rin mabilang ang mga shows na kung saan ay naghost si Luis at si Billy. Kaya experience wise ay punong-puno ito.

Wala pang confirmation ang nasabing balita nguni’t kung saka-sakali lamang na matutuloy ito ay magkakatapat ng bagong show nina Luis at Billy ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN na kung saan ay member ng Kapamilya show si Billy.

(Photo source: Facebook – @starcinemaofficial)

You must be logged in to post a comment Login

More in News