Connect
To Top

Arnel Ignacio reacts to dancing Boy Scouts guesting on GGV: “hindi dahil naaliw tayo ay tama”

Hindi nagustuhan ni actor/TV host at consultant ng OWWA na si Arnel Ignacio ang kanyang nakitang guesting ng dalawang Boy Scouts sa “Gandang Gabi Vice.” Sa naturang episode ay sumayaw sina Dave Salvador at Renz de Leon sa programang GGV na nakasuot ng Boy Scout uniform.

Sa panayam kay Arnel “Showbiz Talk Ganern” sa DZRH ay ibinahagi ni Arnel ang kanyang saloobin sa naturang guesting.

==========

Related Stories:

Arnell Ignacio finishes college at 55

==========

“Parang wala nang katiting na regulation, discretion na…hindi dahil naaliw tayo ay tama. Iilan na lang nga ang natitira na parang…bigyan naman natin ng sagrado na, like boy scouts, iilan na lang nga. Tapos gagawin pa nating katawa-tawa, nakakaaliw na nagsasayaw,” pambungad ni Arnel.

“Okay na nga yung bakla eh. Wala naman akong isyu dun eh. Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng boy scouts tapos sasayaw ng the usual na…parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na…kahit na anong institusyon, konsepto. Ito, iwanan naman natin to as it is di ba? So, ano na lang ang natira sa atin kung lahat na lang puwede nating baklain? Iilan na lang yan eh. Puwede ba nating i-spare na lang yan?” dagdag pa ni Arnel.

Narito ang video performance nina Dave at Renz:

(Photo source: Youtube screengrab – @Kapamilya Trending)

You must be logged in to post a comment Login

More in News