Connect
To Top

Atong Ang breaks his silence over Nicole Barretto’s allegations

Binasag na ni Atong Ang ang kanyang katahimikan pagkatapos na madawit ang kanyang pangalan sa hidwaan nina Gretchen Barretto at pamangkin nitong si Nicole Barretto. Ayon kay Nicole ay inagaw daw ni Gretchen ang kanyang boyfriend – at ang tinutukoy na boyfriend ni Nicole ay si Atong Ang.

Sa isang report ng ABS-CBN News ay nagbigay na kanyang panig si Atong Ang:

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

(Photo source: Facebook – @Kapamilya Online World

You must be logged in to post a comment Login

More in News