Connect
To Top

Bea Alonzo sues Cristy Fermin and Ogie Diaz for cyber libel

Actress Bea Alonzo filed separate criminal cases for cyber libel against entertainment columnists Ogie Diaz and Cristy Fermin.

Cristy Fermin is hosting the online show “Showbiz Now Na” while Ogie has it’s own online program “Ogie Diaz Showbiz Update.”

In an Instagram post, GMA reporter Nelson Canlas posted the following:

“Naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama na ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs.

Kasama rin sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa kanya.

Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Fermin at Diaz nang walang basehan.

Kasama dito ang umano’y sunud-sunod na paninira kay Bea sa kanilang mga columns at mga show.

Kabilang na ang issue na umano’y di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.

Kasama ni Bea sa filing ang kanyang abogadong si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.”

(Photo source: CTTO)

You must be logged in to post a comment Login

More in News