Connect
To Top

Bianca Gonzalez on being a parent: “patuloy kaming naghahangad ng mabuting kinabukasan”

Kapamilya star Bianca Gonzalez expressed her honest thoughts and sentiments as she opened up on her struggles and worries on being a parent.

In her Instagram account, Bianca shared a heart-warming photo of her daughters, Lucia and Carmen. Bianca opened up to her fans and followers as she admitted that it was hard to be a parent.

Bianca also shared her worries on raising her two beautiful daughters. Bianca also expressed her love and admiration to Lucia and Carmen as she shared that she and her husband, former basketball player JC Intal will do everything to raise their children well.

“Ang hirap maging magulang. Ito pala pakiramdam ng magulang natin nung tayo ang pinapalaki nila sa nagbabagong mundo.

Habang tinitingnan ko ang aming mga anak, nag-aalala ako sa mundo ng teknolohiya at disinformation na kalalakihan nila. Paano kaya namin sila matuturuan ng kung ano ang tama at mali, na maging matatag sa kanilang prinsipyo kahit na minsa’y magiging mas mahirap piliin, na matutong makinig, rumespeto at maging bukas sa ibang paniniwala pero wag bibitawan na ang tama ang tama at ang mali ay mali.

Paano namin matuturuan ang mga anak namin na magkaroon ng pananagutan sa kanilang pagkakamali. Na matutong makinig sa kritisismo at komento. Paano namin mapaparamdam sa kanila na kahit magkamali sila, hindi magbabago ang pagmamahal namin, at ang mas importante ay akuin nila ito, ituwid ang mali, at maging mas mabuti dahil dito.

Paano namin matuturuan yung mga anak namin na di pwedeng gustuhin ang “good” at “positive” lang lagi dahil sa totoong buhay, may mga hindi tama at hindi magandang nangyayari, at hindi pwedeng isawalangbahala yun dahil lang mabigat sa damdamin. Na hindi mawawala ang mali kung pumikit ka lang. Na hindi maiiwasan na makaramdam ng lungkot o galit, pero kaya naman natin ma-proseso ang mga emosyon na ito.

Paano kaya namin matuturuan ang mga anak namin na hindi dahil kahit papaano’y kumportable sila sa buhay ay hindi na sila dapat maapektuhan sa nangyayari sa iba. Na dahil sila ay kumportable, mas lalong malaki ang responsibilidad nila na maging mulat sa pinagdadaanan ng ibang tao. Na ang pagkabigo ay parte ng buhay, pero ang mas importante kaysa sa pagkapanalo o pagkatalo ay kung paano ka lumaban at kung ano ang iyong pinanindigan.

Wala pa akong mga sagot sa tanong na ito, pero kapag nakikita ko ang aming mga anak, alam kong kailangan naming gawin ang lahat para mapalaki sila na puno ng pag-asa at mulat sa mundo, maganda man o hindi ang pinapakita nito. At sila ang dahilan kung bakit patuloy kaming naghahangad ng mabuting kinabukasan 🤍🤍🤍” Biana wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @iamsuperbianca)

You must be logged in to post a comment Login

More in News