Connect
To Top

Boy Abunda on the Barretto family feud: “Whatever is left unsaid should be left unsaid”

Sa kanyang programang ‘Bottomline’, ay naitanong kay Boy Abunda kung ano ang kanyang maipapayo o gagawin sa mga magkakapatid na nagkakaroon ng hidwaan. Nilinaw ni Tito Boy na ang katanungan ay patungkol sa away ng mga Baretto sisters na sina Gretche, Marjorie at Claudine.

Ayon kay Tito Boy, naniniwala siya na lahat ng bagay ay napaguusapan. Inihambing niya ito sa isang bagyo na huhupa din pagdating ng tamang oras. At sa dulo ay pagmamahal pa din ang iiral dahil ito ay pamilya.

“Whatever is left unsaid should be left unsaid. Wait for some time, buy a little time. Hindi naman nagpapabaya ang Diyos. May mga bagay na hindi naayos pero without our knowing it, naaayos,” sabi ni Tito Boy.

“I’m really hoping, lalo na si Marj at si Gretchen, kasi ang pinanggalingan niyan ay sobrang pagmamahal. I witnessed to how both of them love each other and I believe in our hearts that love is still there… Love should be bigger than their differences.” dagdag pa ni Tito Boy.

Narito ang video ng kanyang interview:

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News