Connect
To Top

Chito Miranda teases Neri over newest investment: “Bahala ka na sa buhay ko”

“Parokya ni Edgar” frontman Chito Miranda can’t help but tease and praise his wife, actress Neri Miranda over her newest investment, a farm.

In his Instagram account, Chito shared a photo of Neri as they shared a glimpse of her newest investment. Chito also shared the conversation that they had when Neri revealed her plan to buy the lot behind their resthouse.

“Binabakuran na ng babaeng binakuran ko yung bukid na binili nya.🤟🏼😁 Naaalala ko pa nung una nyang sinabi sa akin na balak nyang bilin yung lupa sa likod ng resthouse namin.

Initially, I was honestly unsure kung kaya nya bang bayaran ito, and I kept on reminding her to really think about it first, at aralin nya muna yung financial capacity at capability nya, at wag syang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo sya na tipong magda-down sya tapos di na nya mababayaran yung remaining amount.

Ayokong mastress sya, at mas lalong ayaw ko na mabaon sya sa utang. Ang sabi nya lang is pangarap nya talaga ito bilin, and ibubuhos nya yung buong energy nya para matupad ito.

And even though I was hesitant, we sat down and discussed her plan, tapos pinag-aralan namin yung kakayahan nya magbayad based sa kinikita mula sa iba’t-ibang mga negosyo’t online businesses nya.

Kinausap nya yung may-ari ng lupa, and naki-usap sya na kung pwede ba daw na hulugan, and I was pleasantly surprised na pumayag sila sa terms ni Neri.

Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and Never give up. Last October, nakumpleto ni Neri yung huling bayad sa may-ari, and she got her farm. Bilib na bilib talaga ako. Naalala ko nga parang pinost ko pa yun eh.

Anyway, balak nya daw ito gawing farm, tapos magtatanim daw sya ng sili at carrots para sa gourmet tuyo nya (para di na daw sya bumili), tapos lalagyan nya daw ng kubo para may bago kaming tambayan. Bibili din daw sya ng mga manok at hopefully daw ay mangitlog.😊👍🏻

Sobrang excited talaga ako sa mga binabalak, pinaplano, at mga pinapangarap nitong babaitang ‘to…basta ako steady lang, at todo support lang palagi hehe!

Bahala ka na sa buhay ko.✌🏼😁❤” Chito wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @chitomirandajr)

You must be logged in to post a comment Login

More in News