Connect
To Top

Claire Dela Fuente on Christine Dacera’s case: “WALANG KRIMEN NA NANGYARI!!”

Veteran Singer Claire Dela Fuente expressed her thoughts and opinions regarding the controversial case of flight attendant, Christine Dacera. It was recalled that Claire’s son, Gigo De Guzman is one of the 11 suspects in the said controversial case.

In a lengthy post that she made on her Facebook page, Claire expressed her thoughts and sentiments.
Claire wrote:

==========

Related Stories:

==========

“Naubos ang pera ng mga bata dahil sa pagbibintang. Kinailangang kumuha ng lawyer para ipagtanggol sila sa pinaka-sensational case na hanggang ngayon mag-iisang buwan na pinagkakaguluhan pa din.

Mga batang galing sa mahirap na pamilya, mga BREAD WINNERS.

Nag offer pa ng bounty ang mga politiko. Nanakot pa ang chief ng PNP na pag di sila sumuko within 72 hours ay kukunin sila BY FORCE.

Sinusundan sila ng mga tao na di nila kilala. Kinukunan ng video. Napilitang umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na baka may kikidnap sa kanila dahil sa BOUNTY ng mga Politiko.
Namalimos ng tulong sa mga netizens. Nangayayat. Di makatulog. Di makakain. Ayaw lumabas ng bahay.
Nilibak ng mga tao.

Tinawag na MAMAMATAY TAO, RAPIST, DRUG ADDICT.

At ang pinakamabigat NAWALAN NG TRABAHO, NASUSPINDE, TINAKWIL NG AMA, PINALAYAS SA BAHAY NILA, TINANGGALAN NG SASAKYAN, KINAHIYA NG MAGULANG.

Ano pa po ba ang di nangyari sa kanila? Paano kaya sila mag uumpisang muli??
3 x na po na nilabas ng pulis ang kanilang ebidensya:
1. Jan 2 2021 – death certificate
CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM
2. Jan 5 2021 – autopsy report
CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM
3. Jan 11 2021 – histopathological report
CAUSE OF DEATH: RUPTURED AORTIC ANEURYSM

Di ba kakampi nila ang mga Makati Police?? Di ba kanila lahat ng evidences na yan?? Di ba ang PNP CRIME LAB ang nagsagawa ng report na yan? Bakit sila nagdududa sa gawa ng kakampi nila?
TINAWAGAN PA NILA SI VP BINAY nung unang gabi na yun PARA MASIGURO LANG NA SUSUNOD SA KANILA ang mga Pulis ng Makati.

Nang mag-INQUEST ng Jan. 4, katakutakot na mga Militar at Generals ang nandun para suportahan sila?
Di ba sila ang nagkwento sa interview kay Boy Abunda na UNANG GABI PALANG SINABIHAN SILA NI CORPORAL LOPEZ NG MAKATI PULIS NA “NO FOUL PLAY”, pero pinilit pa rin nila na meron.

Ginamit nila ang power nila para mapahirapan ang mga bata. Lahat ng politician at militar na kaibigan nila tinawag nila.

Ilang milyon ba ang nagamit na government funds para lang sa insidenteng ito??

Kami ang hawak lang namin at kakampi ay ang KATOTOHANAN!!!
WALANG KRIMEN NA NANGYARI!!”

(Photo source: Instagram – @clairedelafuente / @xtinedacera)

FEATURED VIDEO:

You must be logged in to post a comment Login

More in News