Connect
To Top

Cristine Reyes gets emotional talking about lying and betrayal

Marami ang naka-relate kay Cristine Reyes nang ito ay maging emosyonal habang pinaguusapan ang tungkol sa pagsisinungaling at pagtataksil. Sa kanyang guesting sa “Tonight with Boy Abunda” ay napagusapan nila ni program host Tito Boy ang tungkol sa kanyang pelikula kasama si Xian Lim na ang title ay “Untrue.”

Ipinaliwanag ni Christine na ang pelikula ay tungkol sa love and not all love is true.

==========

Related Stories:

Cristine Reyes reveals real status with husband Ali Khatibi

Cristine Reyes reveals not getting financial support from anyone: “I’m self-made”

LOOK: Cristine Reyes gets her hair shaved

==========

“Basing on the film, yes. Well, number one kapag nag-start ang pagmamahalan sa kasinungalingan dahil ayaw natin na masira tayo sa taong gusto natin, itatago natin yun mga bagay na alam natin na ikakasira natin sa kanya,” paliwanag ni Cristine.

“Ibig sabihin, mahal mo, mas mahal mo sarili mo kesa dun sa tao kasi mas pinili mo na pagtakpan yung kasinungalingan na yun kesa maging tapat ka dun sa taong mahal mo. Dahil ang totoong taong nagmamahal, dapat tapat ka.” dagdag pa ni Cristine.

Dito naitanong ni Tito Boy kung naranasan na ba niya ang kagaya ng nangyari sa pelikula. At ito ang naging kasagutan ni Cristine:

“Marami na. Marami na akong na-encounter na nag-sinungaling. Iba’t ibang rason, Tito Boy”

(Photo source: Youtube screengrab – @ABS-CBN Entertainment)

You must be logged in to post a comment Login

More in News