Connect
To Top

Cristy Fermin on Liza Soberano’s career in US: “sadsad na siya duon”

Entertainment columnist Cristy Fermin together with her co-hosts Romel Chika and Wendel Alvarez expressed their honest thoughts and opinions over the career of actress Liza Soberano in the USA.

In Cristy’s YouTube program ‘Showbiz Now Na!’, one of the topics that they talked about was the career of Liza in the USA. According to Romel, the ‘premium’ of Liza being a celebrity became low.

“Ito ha, wag kayong magagalit saakin mga fans ni Liza, ito lang sa totoo lang tayo, real talk lang tayo ha, bumaba ang premium talaga ni Liza Soberano… Isipin mo, dito bida bida siya, as in bida, nagli-lead roles sa mga teleserye, maganda ang rating. Mga commercial niya, patok. Nag punta sa abroad…” Romel shared.

“Diba may pelikula?” Wendel asked.

“May pelikula, hindi manlang siya na recognize… international microstarlet… biruin mo nakikisama lang siya, nagiging itsurang paney lang siya duon sa mga artistang nakikilala, pa-picture, para nga naman pag nag pa-picture siya, pag may nakakilala duon sa artistang sikat, mako-clout siya, parang masasama siya…” Romel added.

“Ako, huhugat ako sa simula, alam ko pong medyo magiging emosyonal si Ogie Diaz tungkol sa aming usapin na ito. Inalagaan ito ni Ogie e, pinalaki ito ni Ogie, iningatan ng todo-todo para maabot yung pangarap niya. At nag tagumpay naman sila bilang talent at manager. Tapos biglang ganito? Yung pinag hirapan niya parang, sumadsad e, sadsad na siya duon diba.” Cristy said.

“Ito lang ang punto natin na inalagaan ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagumpay naman siya ng kapalaran diba. Hindi kaya may nag sulsol dito sa batang ito para kumawala sa pangangalaga ni Ogie at lumipat ng iba. Ako, may duda ako eh. Meron akong duda na may nag sulsol dito. Maraming consulsoltant dito e diba…”

“Pero alam mo, yung pangangarap wala naman problema diyan e, kung kaya mong maabot bakit hindi. Pero meron kasi tayong tinatawag na linyada, kung dito ka, dito ka. Mag hintay ka ng tamang pagkakataon para duon sa hinihiling mo. Hindi ito e, hindi ito ang tamang pagkakataon.” Cristy added.

(Photo source: Instagram – @lizasoberano)

You must be logged in to post a comment Login

More in News