Connect
To Top

Cristy Fermin on netizens doubting Kris Aquino’s illness: “Talagang payat na payat ang kanyang mukha”

“Yung dito sa pagkakasakit niya, siguro naman hindi tayo uupa ng eroplano papunta ng ibang bansa para saating pagpapagamot kung wala tayong dinaramdam. Siguro naman hindi tayo dudukot ng malaking bahagi sa ating bulsa para ipagpatuloy yung gamutan na alam mong duon magaganap.

Pero bakit ganito ang nangyayare ngayon, kahit sa mga vlogs na hindi natin alam kung san nag mumula ang tanong totoo bang meron siyang sakit o nag sasakit sakitan lamang. Napaka hirap naman nun nakakatakot yun.” Cristy shared.

“Ang saatin lang naman dito e, kung magaling na siya, e’di ang galing thank you po at gumaling na po siya. Pero sana wag ng palalain ang mga sakit na hindi naman malalang sakit. Para yung mga nagmamahal sayo ms. Kris Aquino hindi naman kami nababagabag lahat dito at nag aalay kami ng panalangin para saiyong kagalingan diba.” Romel said.

“At ang pinaka mahalaga, para hindi bumitiw ang publiko sa paniniwala na totoo ang iyong sinasabi. Mahirap, mahirap itong ganito. Kasi hindi natin masagot kasi hindi naman natin alam ang detalye ng kanyang gamutan sa Houston. Hindi rin natin alam ano na ba talagang proseso ang pinag dadaanan niya. Pero bakit ganun, parang, hindi ko naman pwedeng sabihin yung salitang naiinip, kundi naiinis yun yun e.” Cristy said.

Morly said that it seemed that there are mixed emotions as many were waiting for what is happening to Kris.

Later on, Cristy said, “Sana nga po ay hindi mauwi ito sa pagtatanong ng publiko kung ano ba talaga ang nangyayare. Kasi nagdududa na e.”

“Oo, at tsaka sana i-update na nila tayo. Para lahat tayo ay updated para wala ng kung anik anik na kung anu anong lumalabas tungkol sakanya.” Romel said.

“Wala kasing pupuntahan si Kris e, mag detalye siya ng kung anong nangyayare sakanya ang sasabihin ng tao, ‘o kita mo may sakit na, malala na, nakakapag bigay pa ng ganyan na impormasyon.’ Pag naman magsalita, ‘o kita mo ni hindi manlang kino-correct’. Wala din e, para din siyang tumutulay sa alambre. Nakakaawa rin…” Cristy shared.

(Photo source: Instagram – @krisaquino)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News