Connect
To Top

Cristy Fermin reacts to Gonzaga’s camp statement: “Halatang-halata na damage control”

Entertainment columnist Cristy Fermin reacted to a statement released by the Gonzaga camp clarifying what truly happened during the advanced birthday celebration of Alex where she smeared some icing on the forehead of a waiter.

The Gonzaga camp claimed that the waiter is a regular in their house everything they have an event, and has become very familiar with the family.

On her program ‘Cristy Ferminute’, Nanay Cristy did not buy the reason given and called the entire exercise ‘damage control.’

“Naglabas na po ng paliwanag ang kanyang kampo na nagsasabing kabiruan daw po ni Alex Gonzaga itong waiter na si Allan dahil miyembro daw po ito ng isang catering service na lagi nilang kinukuha kapag may okasyon sa kanilang pamilya.” started Nanay Cristy.

“Romel alam mo, karaniwan naman sa Showbiz talaga meron ‘yung tinatawag nating damage control. Kasama ‘yan sa laban. May mga istasyon, mga network, magagaling sila sa damage control para balansehin yoong opinyon ng ating mga kababayan, ng publiko sabihin na natin.”

“Kumalat na po na parang apoy ang pagkwestiyon sa ugali ni Alex Gonzaga bago ito lumabas. Ang pinakamaganda nilang dapat ginawa dito, kung totoo na itong si Allan ay kanilang kaibigan at kasama sa catering service na kinukuha nila, inilagay nila sa caption o may naglabas sa kanila na, ‘Si Alex at si Allan, ang waiter na tinalampakan niya ng icing noo, magkaibigan sila,’” Nanay Cristy added.

“Kita naman na nabigla siya. At saka alam niyo po ang unang dapat nagsalita diyan, kung totoo na hindi na-offend ‘yung server, siya mismo, ‘yung Allan mismo. Hindi ‘yung pinalipas niyo pa ang ilang araw bago kayo naglabas ng pambalanse sa isyung ito.” said Nanay Cristy.

“Halatang-halata na damage control ito na para takpan itong ginawa ni Alex na talaga buong bayan na ang nagsasabi na bastos,” Nanay Cristy commented.

(Photo source: Instagram – @cathygonzaga)

You must be logged in to post a comment Login

More in News