Connect
To Top

Cristy Fermin to Gerald Anderson: “baka sinasadya niya yan para hindi siya nawawala sa limelight”

Entertainment columnist Cristy Fermin expressed her thoughts and opinions over the controversial revelation of actor Gerald Anderson that he and actress Julia Baretto are in a relationship.

On her radio program “Cristy Ferminute”, Cristy and her co-host Rommel Chika talked about the said issue.

“Kung tutuusin, hindi naman na talaga pag-amin dahil halos alam na ng lahat na sila naman talaga. Pormalidad, pormalidad itong ginawa nilang dalawa. Meron silang karapatang lumigaya, sino ba naman tayo para humarang.” Cristy said.

Cristy shared that Gerald and Bea should have a ‘closure’ first before entering into another relationship.

“Kailangan may respeto. Hindi pupwede basta ka nalang tatalikod sa isang relasyon ng wala manlang kayong pag-uusap kung ano ba talaga ang tunay na estado ninyo. Kasi kapag walang closure, tuluy-tuloy yan.

Tanggapin mo yung mga bintang sayo. Tatanggapin mo ang mga akusasyon sayo ng publiko kasi nga walang closure. Pero kung nagkaruon si Gerald at Bea ng magandang pag-uusap ng pag hihiwalay, malayang malaya si Julia makapasok diba, napaka malaya diba.” Cristy said.

“Matindi din etong Gerald ano, nag-iiwan ng bakas. Hindi muna nililinis yung bakuran. O baka sinasadya niya yan para hindi siya nawawala sa limelight. Pwedeng ganun diba. Kesa nga naman kumausap pa siya sa PRO niya na ‘uy pano ba ako mapag-uusapan? Sige nga mag iwan nga ako ng bakas para yan ang lage nilang nakikita.’ Charot lang yun pero pwedeng totoo.

Aba naman, hangang ngayon, mula nuon hanggang ngayon sila ang pinag-uusapan. Ayaw mo pa ba yun? Free exposure? Wala naman silang ginagawang pelikula pero pinag-uusapan sila.” Cristy added.

(Photo source: Facebook – Cristy Ferminute / Instagram – @andersongeraldjr)

You must be logged in to post a comment Login

More in News