Connect
To Top

Cristy Fermin to Karla Estrada: “dapat natututo siyang tumanggap ng kamalian”

Entertainment columnist Cristy Fermin addressed actress Karla Estrada regarding the statement released by Karla that she did confirm or say that the relationship of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla is over.

In one of Nanay Cristy’s “Cristy Feminute” episode, Nanay Cristy said that she received an information from a reliable source that says Karla herself confirmed that Daniel and Kathryn broke up.

Now that Kathryn and Daniel already admitted that they have broken up, Nanay Cristy has this to say to Karla:

“Bukod po kay Blythe, kami pong dalawa ni Ogie Diaz ang nalagay po sa alanganin tungkol sa breakup na ito. Alam n’yo naman po mga kapatid na kapag wala po akong resibo na hawak at hindi ko po kumpleto ang impormasyon, hindi po lalabas ang mga salita sa aking bibig.” started Nanay Cristy.

“Ako po ay naglakas ng loob na sabihin dito sa CFM at SNN na hiwalay na po talaga sila nang matagal na panahon. Hindi lang po kahapon, hindi lang po nung isang araw. Hindi lang noong isang linggo dahil kumpleto po ako ng detalye.” Nanay Cristy added.

“Pero ang ginawa po ni Karla Estrada ay pinalabas po akong sinungaling. ‘Yung mga pinakain na salita po sa akin ng mga KathNiel supporters, kaya ko pong tanggapin ‘yan. Minsan isang panahon ako po ay naging isang tagahanga rin. Alam ko gaano kasakit para sa kanila na ang mga iniidolo nilang atista ay nagkahiwalay,” said Nanay Cristy.

“Pero sana man lang naisip ni Karla Estrada, na ang tanging puhunan ko po sa trabahong ito, sa aking propesyon, ay kredibilidad. Hindi ko po ito trinabaho nang magdamag lamang… Apat at limang dekada ko po halos na pinagtrabahuhan ang titulong ito, ang kredibilidad na ito, para wasakin lamang ng isang tao sa isang iglap lamang.” Nanay Cristy added.

“Ngayon lumabas na ang katotohanan. Ano ang aking aasahan? Dapat dito ay natututo siyang tumanggap ng kamalian. Hindi ako humihingi ng anumang pagdidispensa mula kay Karla Estrada, kahit sa mga KathNiel, lawakan n’yo lamang po ang inyong isip, puso at paghusga sa mga bagay-bagay habang hindi n’yo pa nalilinawan ang lahat ng pangyayari,” said Nanay Cristy.

(Photo source: Instagram – @karlaestrada1121)

You must be logged in to post a comment Login

More in News