Connect
To Top

Cristy Fermin to Vice Ganda: “Wag kang mayabang”

Entertainment columinist and radio broadcaster Cristy Fermin gave TV host Vice Ganda some lesson in life – to be humble and grounded always. Cristy during her program “Cristy Ferminute” alleged that Vice was making fun of some of the Kapamilya stars who joined TV5.

Cristy Fermin started her message this way:

“Kinausap ako kanina ng isang kaibigan ko. Narinig daw niya si Vice Ganda sa A2Z Channel 11 na parang nagtatawanan sila at nagpaparinig. Gusto raw niyang tanungin si Gat. Andres Bonifacio kung ano ang isinigaw niya noong sumugod,”

“Sugod mga kapatid!’ Ganon daw ba? O ‘Sugod mga kapamilya!’ Parang ganon. Sa pagkaintindi ng mga nag-report sa akin, mga kausap ko parang inuuyam ni Vice Ganda ang mga Kapamilya na sumugod dito sa Kapatid channel,”

Wag mo namang iniinsulto yung mga Kapamilya ninyo na lumundag dito sa Kapatid channel na hindi naman nakaipon at wala namang pera na tulad mo. Alam mo, Vice Ganda, maipapayo ko lang, ang aga-aga pa lang, napakaaga pa lang gumagawa ka na naman ng mga usapin,”

“Dyan ka na nga sumasablay, inuulit ulit mo na naman eh. Don’t take it against them. Kung ikaw ay nasa kanilang kalagayan, siguradong hahanap ka din ng trabaho sa ibang channel Nagkataon lang na nakapaka-palad mo. Na nakaipon ka, yumaman ka, naging bilyonayo ka. Baka isang araw, biruin ka ng kapalaran. Baka ikaw naman ang lumundag ng ibang channel.”

Ikaw kahit maupo ka lang, kumain maglambingan kayo ni Ion Perez kahit anong gawin nyo – makararaos ka. Huwag mong ipagmamalaki kung ano man meron ka. Umiikot ang gulong ng buhay. Happy Hormones ka lang. Wag mayabang, Wag kang mayabang!”

Here is the video:

(Photo source: Instagram – @officialcristyfermin / @praybeytbenjamin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News