Connect
To Top

DJ Loonyo builds a new house for his mom

Rhemuel Lunio, more popularly known as DJ Loonyo may be criticized by netizen for various reason, but no once can criticize him as a loving son to his mother.

In a Facebook post, DJ Loonyo paid tribute to his loving mom by posting the following:

“Simula nung nag-china ako, aside sa mga pansarili kong PANGARAP, nag-decide ako na unahin ang pangarap ng pamilya ko. HINDI PO KAMI MAYAMAN, at pinalaki kami ng Butihin at napakabait kong MAMA sa sariling kayod as MIDWIFE.

Nung nagkasakit ang papa ko at ngayo’y nasa kamay na ni AMA, nawalan kami ng bahay dahil sa gastos sa pagpapagamot at bayad sa utang. From then, nangupahan kami at patuloy na kumayod ang mama ko para lang mapag-aral kami.

Nung natapos ang bahay at nakabili ng lupa na pwedeng tirhan ng angkan namin balang araw, back story pala, pina-retire ko si mama sa trabaho nung ako’y nasa china dahil ayaw ko na magtrabaho siya sa edad nya ngayon, gusto ko nagrerelax nalang siya at panahon na para ispoil naman sya sa lahat ng gusto nya. Ngayon, Sabi ko gagawa ako ng business para sa pamilya ko, at NAGPAPASALAMAT AKO SOBRA KASE ANDUN ANG KUYA KO para i-manage at talagang tulungan ako sa business na yun. Dahil pina-retire ko si mama, pinagdasal ko na bigyan sila ng business para dun na makukuha lahat ng mga gastusin at iba pa.

PARA KAY MAMA- Ma, eto na😭 Maliit man ngayon pero naniniwala ako na lalaki at dadami pa to balang araw❤️ Know that mahal na mahal kita ma at IKAW ANG ISA SA MGA PINAKAMATIBAY NA INSPIRASYON KO❤️

PATULOY TAYONG MANGARAP, PAGTIBAYIN ANG PANINIWALA AT PANANAMPALATAYA SA DIYOS❤️ MADILIM MAN ANG DAAN PERO HINDING HINDI NIYA TAYO PABABAYAAN. NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA😇
GOD BLESS US ALL AT TO GOD BE THE GLORY

(Photo source: Facebook – @djloonyo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News