Gerald Anderson inaming nag-usap sila ni Dennis Padilla

Gerald Anderson inaming nag-usap sila ni Dennis Padilla

Nagsalita na sila Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto patungkol sa issue na kinakasungkutan nilang tatlo. Nagsimula si Bea sa pagsabing “Enough” sa kanyang Instagram at sa interview naman ay sinabi niyang ‘she is moving on’.

Si Julia naman ay nagpost na din sa kanyang Instagram na tahasan niyang sinabi kay Bea na “I refuse to be your victim”.

==========

Related Stories:

Julia Barretto sends a strong message for Bea Alonzo: “I refuse to be your victim”

Gerald Anderson sa mga nakikialam sa breakup nila ni Bea: “Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko”

Gerald Anderson reveals reason about breakup with Bea Alonzo; clears Julia Barretto

==========

Nilinaw din ni Gerald ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay sila ni Bea at sinabi din niyang walang kinalaman si Julia sa naging problema nila ni Bea. Sa artikulo na inilathala ng ABS-CBN.com ay inamin din ni Gerald na nagkausa sila ng Daddy ni Julia na si Dennis Padilla.

Tinawagan daw siya ni Dennis dahil bilang ama ay concern daw ito sa mga nangyayari kay Julia.

“He called me. I answered the phone. We had a good conversation. Tumawag siya kasi isa siyang concerned father. Anak niya ‘yun, e. Anak niya ‘yun,” sabi ni Gerald.

“Siyempre, alam natin na grabe rin ‘yung bashing sa side nila. No one deserves that… We had a good conversation.” dagdag pa ni Gerald.

(Photo source: Instagram – @juliabarretto)


Share This Post