Gerald Anderson sa mga nakikialam sa breakup nila ni Bea: “Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko”

Gerald Anderson sa mga nakikialam sa breakup nila ni Bea:  “Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko”

Halatang hindi natutuwa ang aktor na si Gerald Anderson sa mga taong nagbibigay ng kani-kanilang opinyon na may kinalaman sa kanyang relasyon kay Bea Alonzo. Nilinaw ni Gerald ang tunay na dahilan kung bakit minabuti nila ni Bea na tapusin na ang kanilang relasyon.

Nagsimula daw ang lahat sa mga maliit na hindi pagkakaintindihan at ito ay napapadalas hanggang sa na-realize nila na hindi na healthy ang relasyon at nasasaktan na ang isa’t isa kaya minabuti niyang umiwas na muna.

==========

RELATED STORIES…

Gerald Anderson reveals reason about breakup with Bea Alonzo; clears Julia Barretto

Bea Alonzo reveals she and Gerald Anderson had no formal break up: “He just started not talking to me”

Joshua Garcia on Julia Barretto: “Nasasaktan ako for her”

==========

Sa isang article ng Pep.ph, ay sinabi ni Gerald na mas gusto niyang maging pribado ang lahat at hindi ung pinapakialam ng kung sino-sino.

“It’s my personal life. It’s not something na I want to share sa buong mundo, di ba?” bungad ni Gerald.

“It’s something I want to keep private and sana maayos namin in private. But, obviously, hindi naging ganoon. Maraming mga opinion and maraming nakikisawsaw. Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko.” dagdag ni Gerald.

(Photo source: Instagram – @andersongeraldjr)


Share This Post