Connect
To Top

GMA-7 Suzette Doctolero gets back at Ogie Diaz: “Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin”

GMA-7 creative writer Suzette Doctolero took to social media her disgust over an alleged blind item made by talent manager and radio broadcaster Ogie Diaz.

On her Facebook page, Suzette posted the following:

==========

Related Stories:

==========

“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko. Napaka ironic na ‘yang “nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama.

Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin. Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.

Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang. Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya tangina, sobrang proud ako. Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!

Ipapamukha ko din sa iyo na Kami lang ang nagpapalabas ng matinong lgbt, historical at historical fiction soaps na hindi nilalait ng mga akademiko.

First and last time na gumawa kayo, kumusta ba? Hindi ba’t naghuramentado ang mga indigenous people? Nakatikim rin ng talak sa akin yung headwriter nun. No wonder at winakasan agad. Kayo pa? Ugali ninyong patagalin ang show. Oh wait, manager ka nga pala ng isa sa main cast nun kaya no wonder, gigil ka sa akin. 👅 to be fair, magaling naman silang artista.

Ambobo, historically at culturally insensitve /inaccurate lang nung palabas. So huwag kang magyabang at manglait ha? At ibabalik din sa iyo. Alalahanin, ‘di kayo perpekto. Kaya nga may mga kaso at issue now e ‘no?

Pasensya na ha, i dont mince my words.

Anyway, nakikiisa ako sa inyo sa totoo lang. Atin atin lang ha pero pumirma din ako doon sa signature campaign ninyo.
So Huwag kami ang awayin mo. Awayin mo ang kompanya mo kung bakit napunta kayo sa ganyang sitwasyon. Yan na lang muna.

Ps. Huwag kang manakot ha. Mali iyan.”

(Photo source: Instagram – @boyztownacademy / @ogiediaztalents)

You must be logged in to post a comment Login

More in News