Connect
To Top

Herlene Budol mas piniling magpakayaman kaysa magka-boyfriend

Ibinunyag ni Herlene Budol na wala na sila ng kanyang boyfriend ng limang taon. Mas gustong pagtuuanan ng pansin ni Herlene ang kanyang showbiz career pati na din ang kanyang pagsali sa mga beauty pageant.

Dalawa daw sila ng kanyang boyfriend ang nagdesisyon na tapusin na ang kanilang relasyon at bigyang pansin ang kanilang individual careers.

“Ngayon ho, wala na po akong boyfriend. Mas pinili po naming maging magpayaman na lang ho,” pagtatapat ni Herlene sa mediacon ng launching series niyang “Magandang Dilag.”

“Hindi naman po sa sacrifice yun. Kumbaga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming mag-mature na isipin muna for the future.” dagdag ni Herlene.

“Nandiyan lang naman po yung love, e. Puwede po naming balikan anytime. Pero kung sa ngayon po na hindi po namin nabibigay nang parehas yung time para sa isa’t isa, mas pinili po naming maging friends po muna,” katwiran ni Herlee.

(Photo source: Instagram – @herlene_budol)

You must be logged in to post a comment Login

More in News