Connect
To Top

Isko Moreno nangako daw na di kakandidato sa 2025?

Gaano katotoo ang balita na nangako daw si former mayor Isko Morena na hindi sya kakandidato sa 2025? Ito daw diumano ang kanyang binitawang salita bago sya tinanggap ng TAPE management bilang isa sa mga host ng ‘Eat Bulaga.’

Ayon sa ulat ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, marami daw ang nagtatanong kung totohanin ba daw ito ni Yorme dahil isa ang pangalan nya ang lumulutang na possibleng maging senador sa 2025.

Mapapanood si Yorme sa Eat Bulaga segment na ‘G sa Gedli’ na kung saan ay namimili sila ng mga simpleng mamamayan sa kalsada, sa bus, sa jeep o kung saan pa man upang mabigyan ng kaunting tulong sa kanilang buhay.

(Photo source: Instagram – @iskomorenodomagoso)

You must be logged in to post a comment Login

More in News