Connect
To Top

Jimmy Bondoc on some ABS-CBN spokepersons: “Sila ay babaliktad publicly”

Jimmy Bondoc claimed that there will be some ABS-CBN spokepersons who will turned against the network and will start tell their ‘horror stories’ once ABS-CBN loses its battle to renew its franchise.

On Facebook, Bondoc posted the following:

==========

Related Stories:

==========

“Balang-araw, and very soon, may maglalabasan na mga spokesperson ng biggest network. Sila ay babaliktad publicly. Kahit ang mga pinaka vocal na spokespersons nila, artist man o iba, kung sakaling talagang matalo na ang network, ay biglang maglalabas ng “horror stories” nila, at kung papaano silang “napilitan ipagtanggol” ang sistema ng network.

Lalabo bigla ang usapan. May mga kilala ako ngayon, tulad ng isang beteranang artista, na biktima ng sistema ng network. A Very Valid claim. Pero pagdating ng mga hindi totoong claim, magkaka halu-halo na ang totoong kawawa sa mga balimbing.

The weeds and the wheat.

Ako po ay hindi kailanman magbubudbod ng asin sa mga bukas na sugat. Pinagdadasal ko lagi ang mga kaibigan ko sa network na apektado ng non-renewal. Ngunit ang nagdulot nito sa kanila ay ang network, hindi ang gobyerno.

Kaya lang ako nagbababala ay dahil nakakatakot isipin na ang mga mismong tagapagtanggol nila ngayon ay, sa isang iglap, maaaring bumaligtad, upang muling yakapin ng sambayanang Pilipino.

At dahil madalas napapatunayan na maiksi ang alaala ng Pilipino at likas na mapagpatawad, hindi malayong mangyari na ang mga mismong nagmumura at nanlalait ngayon sa mga “dds” ay balang-araw, susuyuing silang muli sa pamamagitan ng kagandahan, tawanan, at iyakan.

Ano ang lesson?

Wala naman. Panawagan lang sa mga makakaunawa. Maging mapagpatawad, ngunit wag sana makakalimutin. Top priority- protect the President. Sya lang ang totoo niyong kakampi.”

(Photo source: Facebook – @Jimmy Bondoc)

You must be logged in to post a comment Login

More in News