Julia Barretto denies being a heartbreaker: “ako yung palaging nasasaktan”

Julia Barretto denies being a heartbreaker:  “ako yung palaging nasasaktan”

Sa isang vlog ni Erich Gonzales ay nakasama niya si Julia Barretto at isang nakakatuwang ‘True or Falso’ ang naganap sa dalawang magkaibigan. Nagsimula ang usapan sa mga simple tanong like mga paboritong food, kung lamigin ba si Julia, kung clingy ba si Julia at marami pang iba.

Hanggang umabot sila sa questions na pertaining to love. At isa sa mga naitanong kay Julia ay kung heartbreaker ba sya?

==========

Related Stories:

LOOK: Julia Barretto posts photo of a cake on Joshua Garcia’s birthday

Julia Barretto’s vlog reaches 100K subscribers in just two weeks

WATCH: Julia Barretto and Gerald Anderson take on the ‘Guess the Song’ challenge

==========

““Eh kasi yan parati ang tingin ng mga tao sa akin. Ako yung palaging nananakit. Well, in fact, ako yung palaging nasasaktan. Ako, when I love, I love 100 percent with all my heart, with all my mind. Grabe po ako magmahal,” paunang sagot ni Julia.

“Tapos, kahit na sinasaktan ako, forgive. Chance. Pero lahat kasi ng tao, may sagad tayo, e. May hanggangan tayong lahat. Kaya minsan ‘pag nasasaktan na ako, patuloy pa rin akong sinasaktan.” dagdag pa ni Julia.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube screengrab – @Erich Gonzales)


Share This Post