Connect
To Top

Julie Anne San Jose bids farewell to her role as ‘Maria Clara’

Singer actress Julie Anne San Jose said goodbye to her role as ‘Maria Clara’ as the character dies in the series ““Maria Clara at Ibarra.”

Julie Anne said it has been an honor to be part of the said series and for playing the character of Maria Clara.

On Instagram, Julie Anne posted the following:

“Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra 💗 Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara. Maraming salamat kay @zigcarlo sa paggabay sa bawat eksena, sa aking mga kasamang aktor na tunay na mahuhusay, sa mga manunulat na malikhain, at sa buong produksiyon ng proyekto na naging kaibigan at pamilya ko na.

Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito. Mas minahal ko ang aking larangan bilang artista sapagkat kami ay naging instrumento upang maipakita namin ang makulay at maalab nating kasaysayan.

Para sa akin, isang obrang maituturing ang aming palabas. Ito ay siguradong kapupulutang aral, na maipamamana sa mga susunod pang henerasyon. Matapos man ang palabas na ito, ang kultura at kasaysayan natin ay habang buhay na nakatatak sa ating mga puso’t isipan. Ito ang nagpapaalala sa ating mga karapatan bilang tao, at sa ngalan pag-ibig – sa sarili, sa kapwa, at maging sa bayan – tayo ay lumalaban at patuloy na lalaban.

Hanggang sa muli, ito po ang inyong Maria Clara delos Santos Y Alba, isang maalab na pagpupugay sa kasaysayan ng Pilipinas, salud!”

(Photo source: Instagram – @myjaps)

You must be logged in to post a comment Login

More in News