Connect
To Top

K Brosas idinemanda ang contractor ng kanyang pinapagawang bahay

Actress K Brosas filed a complaint against her contractor for alleged breached of contract worth 7 million pesos.

K said she hired a contractor to build her house but after releasing 7 million pesos, the house still unfinish. K added that the contractor allegedly abandoned the project which added to her anxiety.

K shared a photo of her taking the oath after filing a legal lawsuit. The photo comes with the following message:

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.

Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress..

masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.. Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

(Photo source: Instagram – @kbrosas)

You must be logged in to post a comment Login

More in News