Connect
To Top

Kim Chiu tuwang tuwa at nakasama si Bossing Vic sa kanyang vlog

Hindi maitago ang saya at galak ni Kim Chiu dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama nya si Vic ‘Bossing’ Sotto sa kanyang vlog.

Kinilala pang mabuti ni Kim si Bossing Vic sa pamamagitan ng kanilang ‘This and That’ interview segment.

Sa kanyang interview ay nalaman ng mga fans ni Bossing Vic na mas gusto nya ng breakfast kaysa dinner. coffee person din si Bossing Vic. Inamin din ni Bossing Vic na mas comfortable sya sa movie kaysa sa sitcom.

Sa pangalawang round naman ng interview ay tinawag nila itong ‘Truth or Dare.’ Sinabi ni Bossing Vic na si Tali ang pinakagalante sa kanyang mga anak nguni’t later on ay sinabi ni Bossing Vic na lahat ng anak nya ay madaling lapitan.

Hindi din daw sumagi sa isipan ni Bossing Vic na pumasok sa larangan ng politika.

Nang tanungin naman ni Kim si Bossing Vic kung ano ang pinakamahal nyang nairegalo kay Pauline ay itinuro ni Bossing Vic ang kanyang puso. Sa sagot na ito ay naghiyawan ang mga audience na nasa studio noong araw na yon.

Tinanong din ni Kim kung sino ang pinaka-ayaw na artista ni Bossing Vic at ang sagot nya ay ‘DARE’ dahil wala naman daw syang kaaway na artista.

Overall ay napakasaya ng kwentuhan ni Kim at Bossing Vic na tila matagal na silang nagkita at nagkasama.

(Photo source: Youtube Screengrab – @Kim Chiu)

You must be logged in to post a comment Login

More in News