Connect
To Top

Kim Domingo tests positive for COVID-19: “Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated”

Actress Kim Domingo can’t help but be emotional as she revealed that she tested positive for the coronavirus (COVID-19).

Kim shared the said unfortunate news on her Instagram account as she posted a photo of her where she was seen crying. According to Kim, she never expected that she will be tested positive for COVID-19 as she is very cautious. Kim also shared that she have vitamins and she is fully vaccinated.

Kim also shared that her TV comeback for the GMA project titled “Love. Die. Repeat.” is cancelled due to the said unfortunate event. Later on, Kim also gave an update regarding her condition.

“August 27, 2021. Nag positibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko inexpect na tatamaan pa ako. Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag disinfect at pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated.”

“Hindi ko na din po magagawa ang #LoveDieRepeat , ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula nagka pandemic dahil hindi po ako tumanggap ng trabaho sa labas. Work from home ako palagi. Natatakot ako maglock in taping pero dahil nabakunahan na ako, mas napanatag ako saka namimiss ko na ang pag arte 🥺 Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito.”

“Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin 🙏🏻😭 Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sakin. Kahit anong ingat mo, pwedeng pwede ka tamaan ng COVID. Hindi natin sya nakikita.”

“Kaya kung meron kayo pagkakataon na magpa bakuna, magpa bakuna kayo. Isa din ako sa mga takot na takot magpabakuna dati. Sabi ko hindi ko ilalagay sa katawan ko yan. Ako pa naman yung tipo ng tao na mahilig magsearch at magbasa basa. Sabi ko di bale nalang, pero hindi talaga ako papabakuna.”

“Madami ako nakausap, naexplain sakin ng maayos. Nakwento din nila kung ano mga experience nila after magpa vaccine. Isang araw narealize ko na gusto ko na magpabakuna, then kami ng family ko nagpabakuna na. Inisip ko, kesa naman ako ang mahirapan, pati mga mahal ko sa buhay pag tinamaan kami ng covid.”

“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko. Wala na akong lagnat, pero wala pa din pang amoy at panlasa. Pero still malakas pa din ako kumain. Mas okay na pakiramdam ko 😊 Pahinga lang at iwas ma- stress. Tuloy tuloy pa din ako sa pagiingat, pag di-disinfect, hindi din po ako lumalabas. Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag negative na sa virus. 😊 Salamat din sa mga nagpa abot ng kanilang message at pag aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat! ❤️” Kim wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @kimdomingo_)

You must be logged in to post a comment Login

More in News