Kisses Delavin at Joshua Garcia: New Loveteam?

Kisses Delavin at Joshua Garcia:  New Loveteam?

Usap-usapan ngayon na possibleng pagtambalin sina Kisses Delavin at Joshua Garcia bilang bagong loveteam. Mukhang natapos na ang tambalang Donny Pangilinan at Kisses Delavin (DonKiss) at mukhang tapos na din ang tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia (JoshLia).

Sa guesting ni Kisses sa ‘Tonight With Boy Abunda’ ay kinumpirma ni Kisses na mukhang wala ng nakalinyang project para sa kanila ni Donny. At nang tinanong naman ni Tito Boy kung sino ang bagong makakatambal ni Kisses ay tikom ang bibig ng dalaga. Bigla namang nabanggit ni Tito Boy ang pangalan ni Joshua na possibleng makatambal ni Kisses.

“I would be honored but I can’t say anything about it,” ang nakangiting sagot ni Kisses.

Narito ang video interview:

(Photo source: Instagram – @kissesdelavin / garciajoshuae)


Share This Post