Connect
To Top

Kris Aquino asks Lolit Solis to negotiate a teleserye for her on GMA-7

Nagbigay na kanyang saloobin ang entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa hindi pagtuloy ng project ni Kris Aquino at Gabby Concepcion due to some technicalities. Hindi na-inform agad ang Metro Manila Film Festival committee ang desisyong palitan si Derek Ramsay ni Gabby Concepcion.

At dahil dito ay mukhang kanselado na ang project na ito na supposed to be ay comeback movie ni Kris.

==========

Related Stories:

Kris Aquino reveals MMFF horror film will no longer push through

WATCH: Kris Aquino bursts into tears after watching ‘Hello, Love, Goodbye’

Kris Aquino treats herself with Chanel bag worth over P400K after surviving Japan earthquake

==========

Sa kanyang Instagram account ay ito ang pinost ni Nanay Lolit:

“Para naman naglaro ang kapalaran kay Kris Aquino ha Salve. Excited pa naman siya magbalik trabaho at bagay naman sa pagbabalik niya ang napili niyang project na Kampon, kung bakit nagkaroon ng hitches ito. Maganda din naman ang ipinalit nila kay Derek Ramsay na si Gabby Concepcion pero siguro nga dahil sa bilis ng mga pangyayari nakalimutan nila ipadala agad ang letter informing the commitee nang pagpapalit ng leading man.

Grabe ang bilis ng pangyayari kaya I can just imagine ang frustration ni Kris. Sayang dahil talagang parang itinakda iyon project sa pagbabalik tambalan nila ni Gabby na siyang nagsimula ng showbiz career niya tapos heto pa ang magiging ending.

Siguro naman maayos ang lahat dahil hindi naman akalain magkakaroon ng problema kay Derek. Saka dapat dahil sanay na si Atty Joji sa pagsali sa festival alam na niya ang mga sinusunod na panuntunan kaya dapat naayos agad ito. Well, usually naman mga setback na ganito is for the better baka mas maganda ang kalalabasan, malay natin. Wait na lang tayo”

Sa comment section ay sumagot si Kris at naglambing ito kay Nanay Lolit na baka maaring gawan ng paraan na magkaroon siya ng isang teleserye sa GMA-7:

“Chill na chill ako Nay. Life is good, Aug 20 i’ll take the kids on a beach break para hindi ko na lang maisip ang 1st shooting day… sayang lang yung 4.4 million views na on FB nung pag visit kay gabby. Maybe kagaya ng pag negotiate mo for me ng Star Talk before, you can negotiate w/ @gmanetwork a teleserye, same slot as ika-6 na autos na super sinubaybayan namin? #faith”

View this post on Instagram

Para naman naglaro ang kapalaran kay Kris Aquino ha Salve. Excited pa naman siya magbalik trabaho at bagay naman sa pagbabalik niya ang napili niyang project na Kampon, kung bakit nagkaroon ng hitches ito. Maganda din naman ang ipinalit nila kay Derek Ramsay na si Gabby Concepcion pero siguro nga dahil sa bilis ng mga pangyayari nakalimutan nila ipadala agad ang letter informing the commitee nang pagpapalit ng leading man. Grabe ang bilis ng pangyayari kaya I can just imagine ang frustration ni Kris. Sayang dahil talagang parang itinakda iyon project sa pagbabalik tambalan nila ni Gabby na siyang nagsimula ng showbiz career niya tapos heto pa ang magiging ending. Siguro naman maayos ang lahat dahil hindi naman akalain magkakaroon ng problema kay Derek. Saka dapat dahil sanay na si Atty Joji sa pagsali sa festival alam na niya ang mga sinusunod na panuntunan kaya dapat naayos agad ito. Well, usually naman mga setback na ganito is for the better baka mas maganda ang kalalabasan, malay natin. Wait na lang tayo. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

(Photo source: Instagram – @concepciongabby)

You must be logged in to post a comment Login

More in News