Connect
To Top

Kris Aquino is now residing at a private beach resort

Dindo M. Balares, a good friend of Tv Host and actress Kris Aquino gave an update regarding Kris, that she is currently staying at a private beach resort.

Dindo added that according to Kris, she is breathing well, sleeping better, and her blood pressure is behaving. Kris also expressed her appreciation to all those who continuously are praying for her wellness and recovery.

On Instagram, Dindo posted the following update about Kris:

“SA BEACH po nakatira si Kris Aquino.

‘Yan ang latest update para sa mga nagmamahal, nag-aalala, at patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan. Marami uli ang worried dahil hindi napapagod ang mga gumagawa ng fake news tungkol sa kalagayan ni Kris.

Katunayan, kumontak na pati kaibigan kong international news ang work, kung totoo raw ang mga nababasa niya sa social media.

“Nakita ko lang sa Facebook. Sabi ni Kris Aquino ‘kritikal na po ako’. ‘Tapos may nagpost: ‘she stopped fighting’. In coma ba siya?” message niya.

Kung ang friend ko nga na media veteran muntik pang mapaniwala ng fake news, e, di lalo na ang netizens. Mas pinipili muna sana ni Kris na manahimik, pero may mga nagsasamantala namang gumawa ng fake news tuwing walang anumang balita tungkol sa kanya.

Kailangang mag-post ng totoo. Katotohanan lang ang panlaban sa fake news at kasinungalingan. Nakatira at matagal mananatili sa naturang private beach si Kris.

“I am staying here until my tolerance trial,” kuwento niya last week. “Kuya Dindo, I am breathing and sleeping well. My BP is behaving,” message naman niya ito kagabi.

Muli’t muli, maraming-maraming salamat po sa patuloy na malasakit at pagmamahal kay Krisy. 🥰🩷

📷 2019, kuha ko sa kanya nang dalawin ko sa Conrad Hotel”

(Photo source: Instagram – Kris Aquino)

You must be logged in to post a comment Login

More in News