Connect
To Top

Kris Aquino online show with Cristy and Lolit will no longer push through

The supposed online talk show of Kris Aquino with Cristy Fermin and Lolit Solis will no longer push through. Nanay Lolit on her Instagram account narrated what transpired during the planning stage and prompted Nanay Lolit to say “if it is not meant to be, it is not meant to be.”

In a two part post, Nanay Lolit revealed the reason why the online show will no longer push through:

“Ngayon ko napatunayan Salve iyon kasabihan ‘if it is not meant to be, it is not meant to be’. Iyon balak na pagsamahin kami nila Cristy at Mr. Fu with Kris Aquino sa isang talkshow nagsimula sa hitches, hanggang sa final decision namin tatlo na huwag ng gawin.

Exciting nung una ang idea, lalo pa nga at meron din soft spot sa puso namin ni Cristy si Kris. Exciting dahil sa daldal namin tatlo nila Kris at Cristy siguro ang ingay literally at in fairness, very juicy ang lahat ng lalabas sa mga bibig namin. But in the end, iyon na nga, may mga bagay hanggang sa huli the thin thread that bind the idea naputol.

In fairness, kahit na may attitude si Kris, mas mukhang mas matigas ang ulo namin ni Cristy. Nuon una kasi ayaw sana ni Kris kasama si Mr. Fu dahil idea niya 3 babae lang, pero pumayag din siya magkaruon ng trial period at tignan kung mag blend sa amin si Mr Fu. Pangalawa, iyon technical run, pangatlo iyon swabbing. Lahat ng ginusto namin, ibinigay na, ok na sana, ng bigla naka feel ng hindi comfortable si Cristy na magkaruon ng trial period si Mr Fu.

So Cristy decided not to do it. I will not do it pag hindi kasama sila Cristy at Mr Fu. Pag hindi kasama sila Gorgy at Salve, as a group we are responsible for each other, one for all, all for one. Iyon ang bonding na naganap sa amin sa Take It Per Minute Me Ganuon.

Hindi naman iyon hindi na kami puwede maka trabaho ng iba, hindi naman iyon dapat kaming 3 ang kunin, or dapat buong team kami, NO, ipokrita naman kami if we say it that way. Iyon lang nuon ilatag kasi ang plano at sabihin sa amin, magkasama kaming 3, so ayaw namin na may ilaglag na isa sa amin. OK , mataas naman ang EQ factor namin at tanggap namin na iba iba kaming talent, or ranking, or level, pero iyon alam na namin na magkasama kami, tapos meron palang isa na hindi masyado feel ni Kris, parang iyon ang hindi natanggap ng grupo.

We are happy sa biruan namin barya ang TF ng TIPM me Ganuon, at ngayon pandemic , isang malaking grasya ang ibibigay sa amin talent fee ng bagong talkshow sana, pero iyon saya at enjoyment na nadarama namin every tuesday together, iyon camaraderie, parang compensated na iyon barya lang na TF. No regrets… (may karugtong)

(Photo source: Instagram – @krisaquino / @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News