Connect
To Top

Lolit Solis admits mistake; apologizes to Heaven Peralejo

Entertainment columnist Lolit Solis admitted that she committed a mistake by saying that actress Heaven Peralejo called Senator Manny Pacquiao to ask for some financial assistance and that Jinkee Pacquiao gave the young actress Php 100K.

Nanay Lolit said that she based her story from a blind-item story, she asked around and someone told her that the said blind item was Heaven and Jinkee. Nanay Lolit retracted her earlier post about Heaven by saying:

“So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan. Hindi tutoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat.”

Here is her full post:

“Alam mo Salve na ayaw ko sa lahat iyon magbura ng post. Tutoo na may mga post ako na kung minsan umaabot sa ikinagagalit ng tao at tinatanggap ko lahat ng bashing at grabeng comment. Sobra ang bashing na inabot ko sa post ko kay Alex Gonzaga, pero ang talagang naloka ako iyon kay Janine Gutierrez.

Tanggap ko pag nagkamali ako, i don’t find it degrading na tanggapin ang pagkakamali ko. Ang hindi ko talaga magawa iyon magbura o mag archive ng post dahil parang feeling ko naging unfair ako sa sarili ko. Kung ang consequence ng ginawa ko maging mahirap dalhin, kakayanin ko, basta naging tutoo ako sa sarili ko.

Hindi ko kilala si Heaven Peralejo, nabasa ko ang blind item ni Fashion Police, nagtanong tanong hanggang may nagsabi na si Heaven at mama Jinkee Pacquiao ang nasa blind item.Nilagay ko sa IG, inamin ko na narinig ko lang ang bulong bulungan tungkol dito.Now salamat at manager pala ni Heaven si Ogie Diaz, ipinaliwanag na baka mali ang naging assumption ko , na kaya ni Heaven magkaruon ng 100K ng hindi kailangan ang tulong ng iba. So maliwanag na ang lahat.

Nag text si mama Jinkee Pacquiao na hindi daw tutoo iyon balitang iyon, so tanggap ko na mali nga ang mga balita. Good, dahil at least maliwanag na ang lahat. Pati sila mama Jinkee at Jimuel nasali pa sa gulo , kaya nahihiya ako. Kay Heaven at sa nanay niya na nagsabi na 73 years old na ako bakit pa ako nagbabalita ng ganito, tama ka Mommy, dapat nga siguro na pag may blind item pabayaan ko na. Sa nagawa ko , SORRY, at ewan ko kung bakit malaking issue ang 100K na kung iisipin ay barya lang sa mga involved.

So SORRY Heaven , at mommy, sana hindi maging HELL ang buhay ko dahil sa 100K na iyan. Hindi tutoo na humiram o binigyan ni Mama Jinkee Pacquiao si Heaven Peralejo, kaya sana maayos na ang lahat. Naku ayoko na talaga ng 150K at 100K parang malas sa buhay ko ang figure na iyan hah Salve.”

(Photo source: Facebook – @Lolit Solis / Instagram – @heavenperalejo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News