Connect
To Top

Lolit Solis announces: “starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras”

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis announced that she will no longer manage the career of Kapuso star Mark Herras.

Lolit took to her Instagram account to share the said announcement. According to Lolit, she thinks that maybe it is better if the GMA Artist Center will handle the career of Mark. Lolit also revealed that Mark has a ‘big’ cash advance to GMA7. Lolit also wished Mark well.

“Salve gusto ko ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras. Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artists Center na lang ang hahawak sa kanya. After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya eversince.”

“At para narin iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mabawas sa konti niyang kinikita. Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa TF niya. Iyon feeling ko kay Mark Herras na parang anak ko siya, hindi mawawala. Iyon pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon iyon parin ang gusto ko sabihin sa kanya. Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon, at siguro duon sa mga nagpapakita ng malasakit sa kanya, magawan nyo ng paraan maayos ang finances niya, career niya, at buhay niya.”

“Basta starting today, OUT muna ako kay Mark Herras. Andyan naman ang Artists Center para alagaan siya, at sana magtagumpay sila. Goodluck, wish you well Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe.” Lolit wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @ akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News