Connect
To Top

Lolit Solis apologizes to Alex Gonzaga and Mikee for her ‘miscarriage’ post

Entertainment columnist Lolit Solis expressed her sincerest apologies to couple Mikee Morada and Alex Gonzaga for her post regarding the laters miscarriage.

Nanay Lolit on Instagram revealed that Alex had a miscarriage prompting husband Mikee to react and asked Nanay Lolit for some respect.

Nanay Lolit on Instagram apolized and said it was never her intention to offend anyone:

“Salve at Gorgy, gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin.

I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon. Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life. Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lock down, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng presscons, nag enjoy ako sa IG.

Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa narin column ni Salve. Never ever ko nasa isip ma may masaktan , ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.

Matanda na ako para magkaruon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyon nasa isip ko.

If I have offended, o may nasaktan dahil dito , I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at ipost ko iyon.

So far, naging mabuti ang propesyon ko sa akin. Lahat ng dreams ko na hindi ko akalain makukuha ko, ibinigay sa akin. Forever grateful and thankful sa lahat ng blessings. Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo , I agree. Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem.

Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko. Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko. Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama. They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin.

What is important is umabot ako sa edad na ito na hangga ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami parin nagri react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo. Di ba dapat keber na sana sila sa akin ? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin ? Hindi ba dapat persona non grata na lang ako ? may karugtong)”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News