Connect
To Top

Lolit Solis defends Paolo Contis amid split with LJ Reyes

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her honest thoughts and sentiments over the controversial breakup of actress LJ Reyes and actor Paolo Contis.

In her Instagram account, Lolit made a commentary regarding the split of LJ and Paolo. It seemed that Lolit defended Paolo as she shared that she is sure that he doesn’t wanted what happened. Lolit also shared the importance of ‘acceptance’ over the unfortunate situation.

“Salve misconception lagi na pag nagkaka-hiwalayang magka relasyon ang nasasaktan lang iyon babae. Marami akong nakita na mga lalaki na umiiyak, sobrang in pain pag nag break up sila ng babae, pero hindi lang nagsasalita o ipinapakita ang nadarama nila. Kasi nga, meron tayong paniwala na mas matatag ang lalaki, mas tanggap nila ang nangyari, pero kadalasan hindi tutoo iyon.”

“Kaya lang, siyempre sa break up, you respect the feeling of your partner dahil nga minahal at nagmahalan naman kayong dalawa. Pero sana, kahit naghiwalay, manatiling friends lalo na pag meron kayong naging anak. Dapat avoid saying anything that you may regret later. Pero siyempre, tanggapin mo na lang na puwede nasabi niya iyon out of anger .”

“Sure ako hindi gusto ni Paolo Contis ang mga naganap sa buhay niya. Sino ba naman tao ang may gusto na magkahiwalay kayo ng naging ka relasyon mo lalo na at may anak kayo. Imposible na hindi siya makadama ng lungkot o guilt sa mga naganap sa buhay niya. Pero ano ang magagawa niya kung iyon ang maging kapalaran niya.”

“Acceptance sa mga pangyayari, at isipin na darating ang araw na magiging magkaibigan sila at makakapiling din niya ang mga anak niya. Sinong tao ba ang may gusto na mahiwalay siya sa mga mahal at minahal niya. Wala. Pero kailangan tanggapin na sa relasyon, dalawa kayo na may desisyon, dalawa kayo na may alam kung bakit hindi nagtagal o magtatagal ang pagsasama nyo. Acceptance sa gusto ng partner mo ang importante, para hindi na lumaki pa ang diperensiya.”

“Kung anuman ang sabihin ni LJ Reyes maluwag na tatanggapin ni Paolo Contis. Kung anuman ang maging pasya niya, niri respeto ni Paolo dahil si LJ parin ang mother ni Summer. Walang maririnig kay Paolo dahil sa puso niya nanduon parin ang respeto at pagmamahal sa mag ina niya. Puwedeng hindi naging matibay ang binding sa kanilang pagsasama, pero hindi kailanman mawawala ang happy memories na pinagsamahan nila. So sad. But thank you for the good memories.Sana matagpuan parin nila ang hinahanap nilang lasting happiness.” Lolit wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News