Connect
To Top

Lolit Solis defends Paolo Contis: “Walang kasalanan iyon mga tumanggap ng trabaho”

Entertainment columnist Lolit Solis appealed to the general public to give the new hosts of TAPE Inc.’s EAT BULAGA some respect as they are simply doing their job as hosts.

Lolit added that the new hosts were there not to replace Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon since they are already considered institutions when it comes to noontime program hosting and are irreplaceable.

On Instagram, Nanay Lolit said:

“RESPECT. Iyan Salve ang dapat ibigay sa issue ng Eat Bulaga. Institution na ang Tito, Vic and Joey. Kahit sino pa ilagay mo sa Eat Bulaga , iyon mukha ng TVJ ang makikita. Trabaho lang, kaya tiyak na naiintindihan ng lahat na kung may gagawa ng programa o papalit sa oras nila, walang personalan iyon.

Respeto sa bawat isa ang kailangan sa mga ganitong bagay. Walang personalan. Walang kasalanan iyon mga tumanggap ng trabaho. Hindi porke nag trabaho sila feeling TVJ na sila. Hindi ganuon. Kailangan ang trabaho, tinanggap nila. Pero nanduon ang galang sa mga nauna sa kanila.

Takot si Paolo Contis na tanggapin ito nuon una, pero kailangan niya ng income at tiyak ako na tatanggapin din iyon ng ibang aalukin. So bakit hindi puwede si Paolo Contis o si Buboy Villar o sinuman na nasa programa ngayon.

Sana maintindihan ng lahat na hindi nila pinapalitan ang mga nauna. Trabaho lang huwag maging nega sa gustong kumita ng ikabubuhay nila. Hindi ko maintindihan iyon bashing kay Paolo Contis na pati issue sa anak lumalabas. Kailangan bang ipaalam sa ibang tao ang ginagawa niya para sa sarili niyang anak.

Dapat ba bawat plano niya sa mga anak alam ng lahat ? Hindi naman siguro ibibigay ng iba kung ano ang kulang ni Paolo. Wala naman siguro mag abono. Kaya pabayaan lang siya kung ano mga gusto niya gawin. Dahil iyon responsibility na iyon kay Paolo Contis lang. Siya lang dapat managot. Wala tayong pakialam. Hindi bongga ha Salve at Gorgy.”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News