Connect
To Top

Lolit Solis defends Vice Ganda: “Kanya kanya tayong trip sa buhay”

Entertainment columnist Lolit Solis defended Vice Ganda’s decision to buy a dog worth Php 380,000.00. Netizens reacted to the said purchase and said Vice should have adopted a puppy instead of buying an expensive one.

Vice for his part said: “Alam ko may mga dahilan kayo, pero may kanya-kanya naman tayong… Hindi puwedeng kami ang mag-decide? Di ba? Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs, pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala, di ba?”

Nanay Lolit also reacted to the said purchase and posted the following on Instagram:

“Tutoo iyon sinabi ni Vice Ganda na hayaan natin sila kung ano gusto nila gawin dahil pera naman nila iyon ginagasta nila, Salve. Wala din tayong pakialam kung bumili ng mga Hermes bag ang mga artista ngayon dahil gusto nila.

Kaya sila nagtra trabaho dahil gusto nila bumili ng mamahalin bagay, so be it. Kanya kanya tayong trip sa buhay, basta hindi tayo ang hiningan ng pambili wala tayong karapatan mag reklamo.

Hitsurang milyones ang gastahin nila. Kanya kanyang hilig, like kahit pa nga ang yaman na, hindi mahilig sa alahas si Nanette Medved.

Kahit Mother Lily Monteverde siya kung minsan sumasakay parin siya sa taxi. Ganyan talaga, ibigay mo iyon hilig ng iba, pabayaan mo rin kung ano ang gusto nila.

Suwerte ka kung kagaya nila may pera kang pambili ng 380K na aso tulad nila Vice Ganda, or 25M na worth ng Hermes bag gaya ng nabalitang bagong gamit ni Marian Rivera. Ok lang, pera nila iyon. Kaya no problem.

Huwag ng gawan ng issue dahil lalo lang nakikita na talagang sa buhay may kaibahan ang mahirap sa mayaman.

Basta mangarap na lang, baka someday, malay mo, makuha mo rin bumili ng mga ganuon bagay. Magiging bongga, di ba !”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News