Lolit Solis feels the controversy will have an effect on Bea, Gerald and Julia’s future relationships

Lolit Solis feels the controversy will have an effect on Bea, Gerald and Julia’s future relationships

Hindi akalain ni entertainment columnist Lolit Solis na magiging national issue ang controversy na kinakasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Nagulat si Nanay Lolit na halos lahat ay sumali sa usapan, nagbigay ng kanilang komento at ang buong bayan ay naging interesado sa nasabing issue.

Isa sa mga naging dahilan daw dito ay ang social media na kung saan lahat ay maaring magbigay ng kanyang saloobin. Lahat ay pwedeng makihalo at lahat ay maaring magbigay na kani-kanilang conclusion sa istorya.

==========

Related Stories:

Kris Aquino on Bea-Gerald-Julia controversy: “sa GANDA ni Bea- PIPILA na ang mga LILIGAW”

Janella Salvador inaming napagusapan nila ni Joshua Garcia ang issue tungkol kina Julia at Gerald

Angel Locsin explains “Kwentong barbero” post is not about Bea-Gerald-Julia issue

==========

Ayon kay Nanay Lolit ay naging biktima sina Bea, Gerald at Julia, lahat sila ay nasaktan at nabubaran ng publiko. Idinagdag ni Nanay Lolit na babantayan na ng publiko ang bawa’t kilos na tatlo na parang soap opera na pinapanood ng buong bayan.

Narito ang kabuuan ng statement ni Nanay Lolit sa kanyang Instagram account:

“At least mukhang subsiding na ang Bea Alonzo/ Julia Barretto at Gerald Anderson drama. Suwerte ng mga celebrity noon na nagkaroon din ng ganitong romantic encounter dahil wala pang social media that time.

Tulad nga ng sinabi ni Gerald, hindi niya alam na buong bayan pala kasali sa buhay niya. Siguro kahit si Bea hindi akalain ganun katindi ang epekto ng cryptic quotes at check na nilalagay niya, at si Julia bongga overnight siya ang pinaghalong Bella Flores at Zeny Zabala ng bayan. Kahit sino nawindang sa ipinakitang interest ng bayan sa issue, lahat ng sulok interesado, real life teleserye, araw-araw may bagong twist, subplot, at hanging incidents na nakadaragdag sa istorya.

Nalimutan ng lahat na marami nang ganitong istorya na nagyari, dumaan, pero hindi naging ganito kalaki dahil nga wala pa ang social media noon ‘di gaya ngayon, parang lahat puwede magbigay comment, sumawsaw at makihalo. Hay naku, in the end, biktima silang lahat, nasaktan silang tatlo, nahubaran ng publiko at babantayan ang lahat ng kilos ngayon.

May lapitan lang babae si Gerald, sure tambak na ang comment, may madikit lang lalaki kay Julia, iba na agad ang iisipin, at kahit si Bea, tiyak na aabangan din ang next romantic chapter ng life niya. A live soap opera na pinanood ng buong bayan. sabi nga kulang na lang senate hearing, or is it really worth it?”

View this post on Instagram

At least mukhang subsiding na ang Bea Alonzo/ Julia Barretto at Gerald Anderson drama. Suwerte ng mga celebrity noon na nagkaroon din ng ganitong romantic encounter dahil wala pang social media that time. Tulad nga ng sinabi ni Gerald, hindi niya alam na buong bayan pala kasali sa buhay niya. Siguro kahit si Bea hindi akalain ganun katindi ang epekto ng cryptic quotes at check na nilalagay niya, at si Julia bongga overnight siya ang pinaghalong Bella Flores at Zeny Zabala ng bayan. Kahit sino nawindang sa ipinakitang interest ng bayan sa issue, lahat ng sulok interesado, real life teleserye, araw-araw may bagong twist, subplot, at hanging incidents na nakadaragdag sa istorya. Nalimutan ng lahat na marami nang ganitong istorya na nagyari, dumaan, pero hindi naging ganito kalaki dahil nga wala pa ang social media noon ‘di gaya ngayon, parang lahat puwede magbigay comment, sumawsaw at makihalo. Hay naku, in the end, biktima silang lahat, nasaktan silang tatlo, nahubaran ng publiko at babantayan ang lahat ng kilos ngayon. May lapitan lang babae si Gerald, sure tambak na ang comment, may madikit lang lalaki kay Julia, iba na agad ang iisipin, at kahit si Bea, tiyak na aabangan din ang next romantic chapter ng life niya. A live soap opera na pinanood ng buong bayan. sabi nga kulang na lang senate hearing, or is it really worth it? #classiclolita #takeitperminute #pilipinostarngayonshowbiz #72naako ?❤️

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

(Photo source: Instagram – @juliabarretto / @beaalonzo)


Share This Post