Connect
To Top

Lolit Solis naniniwalang hindi maagaw ni Bea Alonzo ang korona kay Marian Rivera

Will Bea Alonzo be able to take the crown away the of Marian Rivera-Dantes? Entertainment columnist Lolit Solis thinks otherwise.

In an Instagram post, Nanay Lolit explains why Bea or any other stars for that matter can take the place of Marian.

According to Nanay Lolit, Marian is simple, beautiful, sincere, sweet, happy and possessed inner peace.

Here is the full post of Nanay Lolit:

“Ewan ko kung biased lang ako, or baka iba ang standard of beauty ko, Salve. Pero lahat ng nagtanong sa akin kung kanino ako mas nagagandahan between Marian Rivera at Bea Alonzo , lagi ang pinipili ko si Marian Rivera.

Kasi nga I find Marian more beautiful lalo na pag naka smile, parang sincere na sincere at sweet na sweet ang ngiti niya. Saka lagi ko siya nakikita na wala pang make up,nakatali lang ang buhok, at iyon parin, beautiful parin siya.

Saka para siyang si Lorna Tolentino nuon bata pa , na puwede heavy at light make up, sweet look o sophisticated, very dramatic face nila. Saka si Marian parang hindi tabain, kasi 2 na ang anak pero hayun parin ang katawan, perfect shape parin.

Well, puwede sa iba ang choice nila si Bea Alonzo, pero ako kay Marian Rivera. Classic ang beauty niya, at lalo nang mawala ang defense mechanism niya dati na parang meron siyang wall sa ibang tao, mas lalo siyang gumanda. Iyon soft glow ng personality niya lumabas.

Saka mas nadama mo iyon pagiging natural niya. Malaki talaga ang nagawa ng inner peace at happiness kay Marian, mas lalo siyang gumanda. Kaya duda ako sa sinasabi nila na maagaw ni Bea Alonzo ang korona kay Marian Rivera. Mahihirapan kahit sino na kunin ang puwesto niya.

May matatag siyang hari, si Dingdong Dantes, tapos meron ng prinsesa si Zia, prinsipe si Ziggy, kumpleto. Paano maagaw iyan ? Mahirap di bah? Uwian na, may nanalo na, hah hah hah. Wala ng laban !!”

(Photo source: Instagram – @marianrivera / @beaalonzo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News