Connect
To Top

Lolit Solis napapagod na sa pagda-dialysis: “pagod na katawan ko”

Entertainment columnist Lolit Solis expresses her tiredness in undergoing dialysis. Nanay Lolit added that she felt her body is so tired.

On her Instagram post, Nanay Lolit said despite her condition, she is still thankful to all those who really are caring for her and for her assisting her in her hospital needs.

“Salve naloka ako dahil talagang hindi ko matanggap na 2 Christmas na ako nagda dialysis. Lucky me na nagagawa ko parin trabaho ko at hindi naman masyado nabago buhay ko except at times na medyo naiinis na ako at natatamad na sa medical procedures. Saka hoping na lang ako na hindi mawala iyon motivation ko pag pumupunta sa hospital. I don’t want to give up pero parang pagod na katawan ko.

Siyempre 77 na ako at hindi na kasing energetic ng dati katawan ko. Talagang ang hirap ng reality na kailangan mo magpunta sa hospital para sa 4 na oras na pag upo sa dialysis chair. Iniisip ko na lang na mas lalo siguro down feeling ng mga walang maibayad sa dialysis.

Suwerte ko nga na may mga sponsors na laging handa tumulong sa akin. Sila mama Susan Co, Rhea Tan, Erning Lim at mama Alice at Bong Revilla. Nadagdag pa si Usec Honey Rose Mercado na nagpaparating kay PBBM kung ano lagay ko. So grateful and thankful pati sa inyo ni Gorgy at Salve.

Dasal ko talaga na huwag ako tamarin, huwag magsawa dahil sino mag alaga kay Jokjok ko, hah hah. Saka gusto ko rin makita na mag asawa si Kinsey at sana makita din ang aking apo sa kanya. Hay naku Salve at Gorgy, bahala na kayo. Ipagdasal nyo pa ako , bongga”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News