Lolit Solis narrates ‘hair pulling’ incident at Mike Barretto’s wake

Lolit Solis narrates ‘hair pulling’ incident at Mike Barretto’s wake

Unti-unti ng lumilinaw kung ano nga ba ang tunay na naganap sa mga magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa lamay ng kanilang pumanaw na ama na si Mike Barretto. Nagsimula ng magbatuhan ng mga akusasyon at maaanghang na salita ang mga magkakapatid sa isat-isa.

Sa Instagram post ng entertainment columnist na si Lolit Solis ay lumalabas na may sabunutan at sigawan palang naganap sa lamay at tila nangyari ang lahat ng ito sa harap pa ni Presidente Rodrigo Duterte na naroon upang makiramay.

Narito ang buong post ni Nanay Lolit:

“Hanggang ngayon Salve hindi ko pa rin maisip kung paano nagawa ng mga Barretto girls ang naganap na ‘sabunutan, sigawan’ sa mismong wake ng father nila na si Mike Barretto.

Kung na-meet mo si Mr. Barretto noong buhay pa ito hindi mo iisipin na mangyayari ang gulo na tulad nito sa buhay nila. How can you disrespect such a sad moment sa buhay ng pamilya n’yo? Parang ito na ang last nail that sealed the coffin ng matagal ng family feud ng pamilya Barretto. Para bang isa ng misteryo kung ano ba talaga ang pinag-aawayan nila, kung ano ba talaga ang ugat at hindi matapos tapos ang issue, to the point na kahit sa harap ni Papa Digong sa lamay ng ama, mangyari ang isang iskandalong tulad nito.

Parang weird, parang teleserye scenes, para bang illusion na hindi totoo at parang panaginip. Kung nasaan man ang kaluluwa ni Mr. Barretto sana tulungan niyang maayos na, matuldukan na, matapos na kung anuman ang ugat ng away na ito. So sad.”

View this post on Instagram

Hanggang ngayon Salve hindi ko pa rin maisip kung paano nagawa ng mga Barretto girls ang naganap na 'sabunutan, sigawan' sa mismong wake ng father nila na si Mike Barretto. Kung na-meet mo si Mr. Barretto noong buhay pa ito hindi mo iisipin na mangyayari ang gulo na tulad nito sa buhay nila. How can you disrespect such a sad moment sa buhay ng pamilya n’yo? Parang ito na ang last nail that sealed the coffin ng matagal ng family feud ng pamilya Barretto. Para bang isa ng misteryo kung ano ba talaga ang pinag-aawayan nila, kung ano ba talaga ang ugat at hindi matapos tapos ang issue, to the point na kahit sa harap ni Papa Digong sa lamay ng ama, mangyari ang isang iskandalong tulad nito. Parang weird, parang teleserye scenes, para bang illusion na hindi totoo at parang panaginip. Kung nasaan man ang kaluluwa ni Mr. Barretto sana tulungan niyang maayos na, matuldukan na, matapos na kung anuman ang ugat ng away na ito. So sad. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

(Photo source: Instagram – @marjbarretto/ @claubarretto)


Share This Post